Wednesday, April 13, 2011

Love Me Mr. Snob: Teaser

Si Roika; 23 years old, ulirang anak at kapatid, maganda, matalino, makulit, pilya at laging positibo ang tingin sa buhay.

Sa kagustuhang maka-ipon at matulungan ang pamilya, kinailangan niyang mamasukan bilang babysitter sa amo ng kanyang tiyahin.

Ang kanyang alaga; 4 years old, babae, bibo, matalino, super cute at masayahin.

Ang kanyang amo; 30 years old, lalaking lalaki, mayaman, matalino, tahimik, ubod ng gwapo at ang katawan - makalaglag salawal..... PERO..... ubod ng SUNGIT. Parang laging pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha sa pagkakasimangot, ni hindi marunong ngumiti.

Mapangiti kaya ng pilyang si Roika ang among masungit? Bakit parang ang puso niya ang tumatalon sa tuwa tuwing nakikita ito? Naloko na.